happy birthday

nabigla kami ni jane, kagabi, pag-uwi namin galing sa maynila.  pagbaba namin sa bus, sasakay kami ng trike (pedicab) sa pila.  eh, walang trike na nakapila, ang mga kasabay naming bumaba sa bus, nagsipaglakad na papasok ng village.  maaga pa naman, wala pang alas onse (hanggang madaling araw may masasakyan kang trike dito, siguro nasa loob pa lahat.)

may nakita akong tricycle na nakaparada sa gilid (eh, dala namin ay isang trolley bag, dalawang bakpak, isang paper bag, bukod sa shoulder bag ni jane; galing kasi sa byahe si jane).  namukhaan ko yung tricycle driver, dati syang namamasada ng tirke, kaya’t tinawag ko sya.

“magsasakay ka ba?” tanong ko.

“sige,” sagot nya.  kwento sya ng kwento (ang daldal, naka-inom kasi) tungkol sa bunsong anak namin habang minamaneho nya kami pauwi.  alam nya kung saan sya nag-aaral, at binanggit nya na kauuwi lang kani-kanina.  kilala nya sya, kasi kilala nya ako.  (alam ko) kumpare sya ng kapitbahay naming namamasada rin ng trike, na paminsan-minsan ang ginagawang kama ay yung gutter sa labas ng bahay nila.

nang magbabayad na kami, ang sabi nya, “wag na!”

“ha?” nabigla kami pareho ni jane.

“bertday ko ngayon!”

“ganun?  happy birthday!  e di eto kwarenta, bertday mo pala!”  eh, bente lang ang bayad.  idiniin ko sa braso nya yung dalawang tig-bebente, di ko maipilit sa palad nya, hawak nya kasi manibela ng motorsiklo.  “o eto!”

“hindi!  bertday ko ngayon!” pilit nya.

“sige, salamat!  happy birthday!”

salamat at may ganito pa!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s