4th impact chicken adobo

nanood ako ng x-factor UK, week 3 finals, kahapon; kalahok kasi ang isang pilipinang girl band, ang 4th impact, ang apat na magkakapatid na tubong norte.

4th impact

sa episode na ito ipinakita ang dalawa sa magkapatid na nagluto ng chicken adobo.  eh, mukhang masarap… bigla akong naglaway para sa chicken adobo!

iba ito sa karaniwang timpla ko ng chicken adobo — may sibuyas.  edi — wow! —  lagyan ng sibuyas, para may sangkap na manamis-tamis, bukod sa betsin!

sibuyas

di ako mapalagay kaya’t nagluto agad ako ng inasam-asam kong chicken adobo.

1 kilo chicken, hiwa-hiwa na (cut up already)

1 ulo ng bawang, pinitpit (garlic head, crushed)

1 malaking pulang sibuyas, hiwa-hiwa (large red onion, sliced)

1/2 c suka (vinegar)

1/2 c toyo (soy sauce)

2-3 dahon ng laurel (bay leaves)

20 pamintang buo (peppercorns)

kaunting asin at betsin (pinch of salt & msg)

(di ko na nilalagyan ng tubig dahil malakas magtubig ang karne ng manok dito sa tin.)

pakuluan ang lahat ng sangkap kasama ang manok, halu-haluin pana-panahon para di manikit sa puwet ng kawali, hanggang sa lumitaw ang mantika ng manok, at may sapat na sarsang matira.

adobz

napakasarap ilahok ng mantika at sarsa ng chicken adobo sa mainit na sinaing… at magkamay!

ayun, hindi bigo ang pinangarap ko — ang inasam-asam kong lasa ng chicken adobo, nakamit ko.

bukas na ko magda-diet!

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s