sukat ng panahon

mayaman ang wikang tagalog sa mga salitang naglalarawan sa paglipas ng panahon — sa tagal (o igsi) ng panahon ng paghihintay, o sa matagal na panahon nang nariyan o nananatili (o mananatili) ang isang bagay.

kamakailan — di malaon at di rin ‘sa isang kisap-mata’ — may nabasa akong isang blog kung saan may nabilang na ilan sa mga salitang tinutukoy ko; at kung mula saan hango ang mga ito.  ito ang nagbunsod sa kin na isulat ito.

bagamat marami sa mga salitang ito ay karaniwang maririnig mo pa sa ngayon, ‘panahon pa ni mahoma’ sinimulang gamitin ang mga ito — di pa pinapanganak ang nanay at tatay mo, at malamang, ‘bata pa si sabel’ noon.

may mga kaugalian tayo na noong ‘nineteen kopong-kopong’ uso na, tulad ng pangungopo (ang pagsabi ng ‘opo’ sa matatanda,) ang pagmanano, at kung anu-ano pa; na mahirap nang baguhin dahil ang mga tradisyong ito ay ‘matanda pa sa humukay ng ilog.’  pag nabago mo to — ‘itaga mo sa bato!’

pag sinabi sayo ng pinautang mo, ‘ilista mo sa tubig’ — goodbye na sa pera mo! — asa ka pa, ‘luluwa ang mga mata mo,’ di ka nya babayaran!  kunsabagay, bespren mo lang naman ang gagawa nito sayo, makakaganti ka rin naman… ‘balang-araw.’

ang walang ganti ay ang dalagang ang pag-asang binibigay sa manliligaw nya na sila’y magkatuluyan ay, ‘pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak’ — malibang sya’y ‘magmurang kamatis’ at ‘tumandang hukluban’ at ulikba.

‘tutubuan ako ng uban’ kakahintay sa mga kasama kong namimili sa SM department store.  ‘panis na laway ko’ ditong walang kausap!  di bale, nasa pansitan naman ako… makatulog nga — ay mali!  panciteria pala to, hindi pansit-pansitan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s