simpleng kaligayahan

hindi ako karaniwang nagbibigay sa mga batang nangangaroling sa village namin, malibang kilalang-kilala ko (anak ng kapitbahay naming kaibigan ko.)

“patawad,” o “bumalik kayo sa pasko,” ang karaniwang maririnig nilang tugon sa unang linya pa lang ng kakantahin nila.

kaya’t naiiba ang nangyari nang gabing ito.

kararating ko lang at kabababa ng trike (pedicab) at papasok ako ng gate ng bahay namin.  galing sa kabilang bahay ang apat na batang nangangaroling, at pabirong tinaboy sila ng maybahay.

“oi, bawal mangaroling!”

nakita kong papalapit ang apat na bata sa akin, at magsisimula nang kumanta.

“bawal mangaroling, kung wala kayong permit,” ang biro ko, “may permit ba kayo?”

“sige na kuya,” ang sagot ng isa, “pasko naman!”

“oo nga, kuya,” ang dagdag ng ikalawa.

“kuya, kahit piso lang, sige na!”

hindi ako natitinag sa ganito, lalo na’t may malalim akong iniisip nung mga oras na yun.

“kuya, ang pogi, pogi mo!”

aba’y binola pa ko, (sige dagdagan nyo pa!)

“oo nga kuya, ang pogi, pogi mo, mukha kang artista,” ang dagdag ng isa.

“kuya, kamukha mo si alden!”

ano???   patay tayo dyan!  sino ba’ng wala sa sarili nya ang hindi mabibilog ng ganitong biro!  parang isdang kumagat sa pain — nabingwit!  ayun, lumabas ulit ako ng gate, napapa-iling pero nakangiti (hanggang tenga.)

“sige, kanta!”

masaya at masigla ang pag-kanta ng apat na ito.  buhay.  buhay ang diwa ng pasko sa kanila!  sumasayaw ang isa, at pagewang-gewang pa habang kumakanta.

inabutan ko.  pero inisip ko bago ko abutan, habang dumudukot ako ng barya sa coin purse ko… kung piso isa, e di apat na piso lang, masaya na sila.

“o, meri krismas!” sabay bigay ng barya sa batang babae.

papalayo na sila nang may isang nagtanong.

“magkano binigay?”

“sampung piso!”

simpleng kaligayahan ngayong pasko!

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s