bencab museum

na-miss ko ang ‘unang buhos’ sa una kong paligo ngayon sa baguio (la trinidad talaga, pero sa mga tiga-maynila ay baguio na rin yun.)  ang balat ko ang inaasam ang sampal ng nagyeyelong lamig ng ‘unang buhos.’  eh sa pagkakataong ito shower lang na may timplang mainit ang meron.

P1130149a

naiiba ang bakasyong ito, dahil sa unang pagkakataon nakapunta kami ni jane sa bencab museum.  matagal na rin kaming umaakyat na mag-asawa, mahigit 20 taon na; ni di humaging sa isip namin, at wala rin namang nagmungkahi na magpunta kami dun.  eh ngayon, sumagi sa isipan ko.

P1130153a

eh, may panalo naman sa pagpunta namin ngayon lang, sapagkat may mga obra si bencab, na pininta nya nung 2013 at 2014 lang.

maraming banayad na mga likha; marami ring mapang-udyok — ang isa sa mga ito, ang misis ko ang tinuturo ang ibon.

P1130114a

hindi ito isa sa mga sariling likha ni bencab; ngunit bahag-i ito ng koleksyon nya ng mga likha ng ibang katutubo.

sa dinami-dami ng nakita ko sa museum, isa lang ang bumighani sakinsi sabel.  may natatanging alindog si sabel kay bencab.  (makikilala ko rin si sabel, igu-google ko.)

pagpasok ng museo, sa unang palapag, sa unang silid, ang marilag ang bumabalot ang ganda — si sabel.

P1130093a

at sa huling mga baytang, sa ika-ibabang palapag, ang mga bighani ang nasiyahan ang panlasa — sa cafe sabel.

eh masarap at malinamnam ang pagkain sa cafe sabel; di-karaniwan at di naman kamahalan.

tara, akyat na ng baguio!  pasyal na sa bencab museum!  sulit na ang P1,000 sa mag-irog: P240, entrance fee; P760, lunch or merienda cena.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s