chiclet

pauwi na kami, galing sa isang araw na bakasyon sa subic.  kalahati ng sakay ng inupahan naming hi-ace grandia… tulog — nakatulog sa pagod at puyat. 

13274982_10153741349824506_383283267_o.jpg

nakatulog sa byahe

mabuti na lang walang naghihilik sa sasakyan; kagabi kasi, isa sa mga kasama namin, naghihilik na parang humihigop ng sabaw; ang isa naman, nakikisalit sa una, nagngingitngit ng ngipin — isang humuhigop ng sabaw at isang ngumunguya! 

maraming pasyalang dagat ang mas maganda’t kaaya-aya sa mata kaysa subic.  ang makikita mo dito, nakapaligid… barko!  at kung mamalasin ka, langis sa tubig… at basura.  mga jet ski na humaharurot di kalayuan sa buhanginan; minsa’y may hila-hilang banana boat, na sikat sa mga turista, lokal at banyaga.  mga bangkang may katig, na nakahelera sa mababaw na bahagi ng dagat, ang mga bangkero nag-aalok ng ligid at island hopping — may tatlong maliliit na islang di-kalayuan, tanaw sa buhanginan — isang oras, P1,000.  ang mga kasama ko, piniling mag-kayak, salit-salitan sila, P500 isang oras.

‘si trader ric ba amerikano?’ tinanong ko si cris, isang waitress sa restaurant ng tinuluyan naming otel, sa trader ric’s resort.

‘opo.’

Trader-Ricks-Subic-1.jpg

old file photo

nagbaka-sakali lang naman akong magtanong dahil bottomless ang brewed coffee.  napag-isip-isip ko, kung pilipino may-ari nito… malabong mag bottomless ito, sa halagang P60.  ganun din ang iced tea at lemonade, bottomless sa halagang P60 — teka… lemonade???  american nga.  atsaka, big serving ang mga order.  nag-order ako ng scrambled eggs w jalapeño peppers… andami nga, isang malaking plato, sa halagang P215, sulit na! 

13282327_10153739727539506_1990127936_o

scrambled eggs w jalapeño peppers

kinagabihan, nakita ko bago pumasok sa 2nd floor ng restaurant, mga nakapaskil na mga larawan kung saan andun si trader ric… puti nga!

ang panalo sa lugar na ‘to, mga sariwang isda — yellow fin ‘bonito’ tuna, dorado, chinese bisugo, at lapu-lapung bato.  pag bumili ka sa mga humahango sa bangka, pwede mo pang ipaluto!

‘may chinese bisugo pala,’ ika ko.

‘oo, kuya, galing china… china sea,’ sagot ni ate.

‘e, ba’t dilat…’

‘ganyan talaga mata nyan… fresh yan kuya,’ pinutol ni ate pagsasalita ko.

‘e, ba’t dilat… hindi singkit?  chinese, sabi mo, di ba?’ 

toink!

para sa tanghalian namin, nagpaluto kami ng dorado; ung kalahati bandang ulo, sinigang; ung kalahati, inihaw — hinainan na rin kami ng kanin, mga pinggan, kutsara’t tinidor, baso’t tubig sa isang kubo sa isang bakanteng lote.

nag-uwi kami ng chinese bisugo, dorado, at lapu-lapung bato.  fresh na, napakamura pa!

13288471_10153739726824506_1813833378_o(1)

lapu-lapung bato

pauwi na kami, dumaan kami sa subic base, sa freeport, sa duty free.  wala namang makikitang bagong mabibili — tsokolate, delata, alak, dishwashing — uy! may nakita ako…

chiclets!

13271857_10153739726989506_463272816_o

Advertisements

namasyal sa luneta

naimbitahan kami ni jane sa isang tanghalian ng aming ninong na siya ring general manager ng manila hotel, at presidente at publisher ng manila bulletin na si atty. hermogenes pobre. 

13225048_10153723984614506_1100428541_o.jpg13225075_10153724299114506_1033551327_o.jpg

kainan nanaman ito!  at doon nanaman kami sa mabuhay lounge hinainan, tulad ng sa mga ibang pagkakataon.

pambihira, eh naka-diet pa naman ako ngayon!

 

nasa ika-apat na linggo na akong naka-diet: fruit smoothie sa umaga hanggang tanghali o pasado mananghali, at oat bran na may flax seed pag ginutom na after lunch o early afternoon.  ang dinner depende, minsan kamote na sinawsaw sa muscovado at niyog, subalit minsan din naman nakiki-kain ako sa pamilya ko maliban sa pagkain ng kanin.  hindi ko alam kung nabawasan na nga ako ng timbang, datapwat lumuwag na ang mga kamisadentro ko; at napansin ni bunso na ampayat ko na daw!  malaki pa rin ang tiyan ko, kaya’t tuloy pa rin ang diet.

unang linggo: bawas lang talaga ng pagkain.  eto ata ang pinakamahirap na bahagi ng diet — ang unang linggo!

ikalawang linggo: nagsimula na ulit akong mag-jogging: 35 minuto lang muna, 3 beses sanglinggo.

ikatlong linggo: ginawa ko nang 1 oras ang jogging, 3 beses sanglinggo pa rin.  okay naman ang pulse rate ko:  133-140 bpm.

 

manggagaling ako sa almazor, sa nichols, di kalayuan sa NAIA-3; dahil inanyayahan akong magsalita sa graduation ng daily vacation bible school (DVBS) doon.  si jane naman, manggagaling sa bahay, sa plaridel, bulacan.

nag-tricycle ako pa-EDSA; nag LRT-EDSA station, at bumaba ako sa UN ave station.  pagdating ko sa UN ave, nagtext si jane na kasasakay pa lang daw nya ng bus paluwas.  naku, matagal-tagal pa syang makakarating.  kayat naisipan kong lakarin na lang mula UN ave hanggang manila hotel.  11:00 nu.  eh, tatagos pala ng luneta mula UN ave hanggang manila hotel, kaya…

namasyal muna sa luneta!

13225149_10153723984759506_543085936_o.jpg