cochinillo español (lutong-bahay)

Screenshot_2016-09-04-12-34-43_1.jpg

nag-level-up na ang handa.  kung ang dati-rating hinahanda sa hapag-kainan kung may birthday o special occasion ay crispy pata o lechon de pugon, ngayon cochinillo español na.  eh, birthday ni dea, panganay na anak namin ni jane…

hindi biro-biro ang pag level-up na to.  una, lubhang mas mahal ang magluto ng cochinillo kaysa crispy pata o lechon de pugon — mahigit doble ang gastos.  ikalawa, (on the positive side naman,) eh… lubhang mas napakasarap at mas napakalinamnam ng cochinillo kumpara sa dalawa.

hindi kasi karaniwang lechon de leche ang cochinillo español.  kakaiba ang pagluto nito.  hindi tinutuhog ng kawayan ang biik at iniikot sa baga ng ilang oras, na karaniwang paraan ng paglilitson.  niluluto ang cochinillo español sa malaking oven o pugon.

una, sa paglinis ng biik pagkatapos katayin, binibiyak ito sa likod (mula ilong, batok, patawid sa backbones, puwet, deretso sa ilalim ng hita hanggang sa pusod.)  ito ay upang maibuklat ito sa baking pan sa pagluluto.

ikalawa, pinapahiran ang laman at balat ng biik ng asin, paminta, at pinitpit na bawang, bago lutuin.

ikatlo, binabasa ng tubig ang balat ng biik habang niluluto.

at ikaapat, pinapahiran ng butter, olive oil, o magkahalong butter at olive oil ang balat nito, pag malapit na itong maluto at pinalulutong na lang ang balat.

received_1232617573438486

kaya naman, hindi na kailangan pa ng sarsa o kung-anu-anong mapalamuting sawsawan para malasap ang tunay na sarap at linamnam ng cohchinillo español (kahit lutong-bahay.)

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s