divisoria: ang liit ng mundo

“ang liit ng mundo,” ika ng mga magkakakilalang nagkikita ng di-sadya sa isang lugar na malayo sa karaniwan.

sinamahan ko si jane, si ‘kumander’ (kolokyal ng ‘misis’) sa divisoria.  bumili sya ng mga ‘kukur’ (yan ang tawag namin noong araw sa tela ng suot ng mga mapormang baduy) o kukurtinahin.  namili na rin syang maaga ng mga pamaskong panregalo — para sa mga inaanak, anak, at anak-anakan… at sa mga paslit na mamamasko sa kanya sa opisina.  (aba syempre, di malilimutang ibili ang paboritong apo, si skyler!)  kung sakaling isa ka sa mga makatanggap ng regalong mukhang mamahalin at high-class ang hitsura… eh, galing divisoria yan!  kung mukha namang mumurahin… eh, galing divisoria yan!

eh, sa liit ng mundo, (ika nga,) nagkita kami ni michael mendoza (tunay nyang pangalan,) sa kalye tabora.  si michael ay naglalako ng mga kadena ng aso sa tiangge sa pulilan, bulacan.  tiga-roon sya sa pulilan.  tiga-roon din ako (bagamat ngayon tiga-plaridel, bulacan na ako.)  magkalaro kami ng basketball sa lugar namin — at ilang beses na rin kaming nagkita sa tiangge sa pulilan public market pag sabado, kung saan naglalako sya ng paninda nya.

“misis ko, sinamahan ko,” sabi ko kay michael, “ako kargador, hehe.”  at pinakita ko sa kanya ang dalawang pagkalalaking supot na plastic na bitbit ko sa magkabilang kamay — bukod pa sa nakaumbok na bakpak sa dibdib ko.

“matumal dito, ambagal ng benta,” ika nya, “buti pa sa tin sa bulacan!”

makalipas ang manik-manaog at paroo’t-parito, iniwanan ko sandali si jane para makabili ako ng lona… nagkita ulit kami ni michael (ikatlong beses na) sa kalye juan luna naman.

“magpakuha nga tayo ng selfie,” sabi ko, “bihira mangyari tong ganito.”  inakbayan ko sya, sa gitna ng prusisyon ng mga mamimili.

15127452_1307466199286956_1754799626_o

mag aapat na oras na kaming naglilibot at namimili ni jane, sumakit na ulo naming pareho.  buti nalang, sa kainamang-palad, may botika ng chinese sa loob ng mall na pinasok namin, ang divisoria mall sa kalye tabora.

“may ibuprofen kayo?” tanong ko sa tindera.

“ay, di namin alam yun ‘ya!” ang sagot ng tindera.  (ang ‘ya’ ay pinaikling ‘kuya.’)

“eh sige, ‘white flower’ nalang,” sabi ko, “tsaka yang menthol.”  (itinuro ko yung menthol na hawig ng ‘borher ding.’)

15102368_10154188123229506_1604291129_o

“eh, ‘bedang kulit’ meron kayo?”

wala.

Advertisements

One thought on “divisoria: ang liit ng mundo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s