pancake house: ang liit ng mundo (part 2)

may kasabihan, “ang liit ng mundo!” o “small world!” na karaniwang bulalas ng mga magkakilalang nagkikita sa isang bahagi ng siyudad, bansa, o mundo nang hindi inaasahan o sinasadya.

naka-schedule kaming magkita at magkape ng isa sa mga best friends ko nung high school (sa Ateneo) na si randy cepeda.  suggestion nya sa pancake house sa vira mall (Vmall), 2 pm.  magwa-1 pm pa lang, nasa Vmall na ako at hinahanap ko kung nasaan ang pancake house, sa likod daw kasi ng Vmall ayon sa text ni randy.  eh nasa gitna ako ng napakalawak na tiangge ng Vmall, di ko na matunton saan ang likod.  e di magtanong sa guard.

“guard, saan banda ang pancake house?” tanong ko.
“ahh, dun, sir, sa may tapat ng mcdo sa dulo,” sabi ni guard.

gilid pala ng Vmall yun, at (natanto ko kay randy afterwards) ibang pancake house ang itinuro ni guard sa kin.  datapwat, lumabas ako at naglakad sa malapad na sidewalk sa gilid ng Vmall patungo sa tinuro ni guard.

nakaka-ilang hakbang pa lang ako, nakita ko isang napaka-pamilyar na mukha ng isang lalaking makakasalubong ko.  huminto ako sa paglakad at tinitigan ko sya.  nakatitig din sya sa kin habang lumalakad papalapit.  nagtititigan kami hanggang sa magkita kami.  si noel “nono” pascual, isa din sa mga best friends ko nung high school (sa National Teachers College na nilipatan ko, 3rd year), na huling nagkita kami mga more than 30 years ago.

small world!  😋

niyaya nya kong mag-lunch sa bahay nila (kasama nya misis at unico hijo nung magkita kami), eh dahil may oras pa naman akong susunugin, magwa-1 pm pa lang naman, pinaunlakan ko alok nya at sumama ako.  napakalapit sa Vmall ng bahay nya, 5 minutes away lang.

masayang reunion at mahabang kwento… 2 pm ipinahatid ako ni nono sa Vmall.

nagkita kami ni randy mga 2.30 pm sa pancake house, nag-order ng kape, at ikinuwento ko sa kanya na habang naghihintay ako, nagkita kami nang di sinasadya ng isang kaibigan na matagal ko nang di nakikita.

coffe at pancake house 10_08_2017

“painter sya,” sabi ko, “kilala daw sya dito, may sarili nga syang ‘reserved’ parking dyan sa multi-level car park.  noel pascual…”
“noel pascual?”
“oo, noel pascual, bakit, kilala mo?”
“small guy?”
“oo.”
“eh, pare, co-parent ko sa la salle yan, when our kids were in grade school, classmate ni fonz ang anak nya.”

small world… indeed!  😋😋

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s