Casa Lillibelle: Monet II

Ayoko ng masyadong maraming tao, ingay, at ligalig. Sapat na ang dami, ingay, at ligalig ng pamilya ko para sa katinuan ng isip ko.

Kaya’t gustong-gusto ko ang nagtagpuan naming bakasyunan sa Casa Lillibelle resort, sa Cabangan, Zambales.

received_302054843752937_1

Madadaanan ito sa Daang 306 (sa mapa) mga 200 kms mula sa Maynila.

Sapat lang ang dami ng taong kayang ilulan ng lugar, para sa dami ng tao, ingay, at ligalig na kayang tanggapin ng kaisipan ko.

May kani-kaniyang kusina, lababo, kalan, at ihawan ang bawat malaking kubo sa resort. Ang maliliit ay wala. May refrigerator na pinagsasaluhan, na may kani-kaniyang nakabukod na lagayan ng pagkain. At bagamat ang hugasan ay pinagsasaluhan din, maraming tubig.

Suki kami dito sa Casa Lillibelle. Subalit hindi lang kami. Ang nakasabay namin ngayong pasko ay suki rin ng lugar, ayon kay MJ Ungco, na may-ari ng resort. Ang anak kong panganay naman ay suking-suki sa resort.

Mas higit na tahimik ngayong pasko kaysa noong Mahal na Araw na huli kaming naparito. At mas higit na tahimik ang kaisipan ko.

Mabait at makwento ang mag-asawang MJ at Joanne. Mapa-ingles o mapa-tagalog, makikipagkwentuhan sila sa inyo.

received_933433203711156

MJ, Joanne at baby Monet II.

Hindi na rin sila iba sa amin. Samakatuwid, sa pagkakataong ito, ipinakilala nila sa amin ang 2 buwang sanggol nilang lalaki (ika-apat na lalaki) na si Monet II. Ipinangalan sya kay MJ na ang tunay na pangalan ay Monet (ang pagbigkas ay mo-neih na may ‘silent T’, hango sa pangalan ng tanyag na French impressionist painter noong 1900’s na si Oscar-Claude Monet.)

Tuwang-tuwa ang pamilya ko kay Monet II, lalo na’t dahil pinayagan sila ni Joanne na kargahin sya.

received_365897323959573_1received_368011600675208_1

Sabi namin kay MJ, isang lalaki na lang, may basketball team na sya!

May 2 ‘Certified Lifeguard’ ang Casa Lillibelle kahit maliit na resort lang ito. Dalawang anak na lalaki ni MJ at Joanne ay ‘Certified Lifeguard’. Mababait, magagalang, at matulungin ang mga tauhan nila sa resort.

May 2 bagong kuwarto sa bagong gawang 3rd floor. Bagamat mas maliit ang lugar, kumpleto ito sa mga ‘amenities’ tulad ng kalan at refrigerator. May TV din.

Kung ang ibang kuwarto ang lulan ay 8 katao, dito sa bago 4 lang. Kung gusto mo lang magkulong sa kwarto — magbasa ng libro, magluto, o manood ng TV — at ayaw mong maarawan sa labas, mainam ito.

Tanaw ang dagat, na ilang hakbang lang ang layo, at dinig ang hampas ng mga alon, mula sa balkonahe ng kwarto.

received_803807223344719

Sulit sa halagang ibinabayad namin ang magbakasyon sa Casa Lillibelle. Babalik ba ako sa Casa Lillibelle???

“I’ll be back!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s