songo???

tuwing akyat ko ng baguio, sinasadya ko ung bulaluhan sa otek, dalawang kanto lang mula sa burnham park. sinasadya ko sya dahil nagustuhan ko ung sinanglaw nila, at binabalik-balikan ko.

sa pagkakataong ito, nagtanong ako kung may soup no.5 sila, dahil specialty din nila ito, at hindi pa ko nakakatikim nito. (binalak kong magluto nito minsan ngunit mahirap palang makahanap ng bayag-baka sa palengke dahil kadalasan babaeng baka ang kinakarne.)

wala daw soup 5 ngayon. depende daw kung makakapagdala si kuya (amo nila) galing ng bulacan, sabi ni kuya kusinero.

“sige, sinanglaw na lang,” sabi ko.

45 pesos isang bowl ng sinanglaw kung may kanin. eh dahil di ako masyadong kumakain ng kanin, sabi ko pwede ba sinanglaw na lang. 40 pesos lang.

FB_IMG_1549730121852

nasa hilltop kami ni jane. sumakay kami ng taxi papuntang botanical gardens. may nadaanan kaming hole-in-the-wall na isang tindahan ng ulam na mga naka-kaldero ang mga ulam. nasa labas lang sya ng hangar market. naisip kong baka may sinanglaw dun dahil kalapit lang ng palengke, at mamaya pagbalik ko ng hangar para bumili ng mga gulay ay kakain ako dun.

P_20190205_115701

“ate, may sinanglaw kayo?” sabi ko.
“ay wala,” sabi ni ate.
“ano to?” sabi ko.
“pata na may beans.”
“ito, ano to?”
“songo.”
“songo???”
“oo, songo.”
“tingnan ko nga,” sabi ko.

sinandok ni ate isa-isa ang mga laman na nakalubog sa sabaw.

“ahh, nguso,” sabi ko, “nguso ng baboy.”

P_20190205_114733

umorder ako ng isang order, P70.

chinese new year nung araw na un — year of the pig.

oink, oink! 😋