Saigoneer

Kumain kami ni Jane kagabi sa Saigoneer, isang maliit na restaurant sa labas lang ng gate ng village namin (Rocka Complex).

received_191024618809938

Vietnamese cuisine ang pagkain. Ang pangalan ng may-ari, Loris Santos.

Masarap ang pagkain at maganda ang ambiance, makulay at maaliwalas.

received_595797620976353received_501655270767644

Ang ayaw lang namin, anlakas nung tugtog sa katabing restaurant — beer haus kasi. Eh, si Loris din ang may-ari.

Simple lang ang inorder namin, di naman kami malakas kumain. Isang order ng Pho beef noodles, at isang fried spring rolls (5 piraso).

Masarap yung Pho! Sulit sa halaga. Malinamnam yung sabaw, lasang-lasa yung basil, malambot at malasa yung beef strips, at husto sa luto yung Pho noodles.

received_524036508237979

Nakulangan lang si Jane sa togue (bean sprouts), gusto sana nya mas marami.

Napansin namin na medyo mabagal ang serbisyo. Ang tagal bago dumating yung order naming Pho. Sa paunti-unti naubos na yung 5 pirasong fried spring rolls, wala pa rin yung Pho.

received_1102821733390170

At mukhang nalilito sila kung sino nag order nung isa o dalawang putahe. Si ate serbidora 2 beses ako tinanong tungkol sa fresh spring rolls, eh wala namin kaming order nun. (Medyo na-concern din kami kay ate serbidora, kasi mag-isa sya, eh andaming customer; si boss Loris nag serbidor na nga rin.)

Hindi namin ikinayamot, at nagpasensya lang kami sa paghihintay.

Nung pauwi na kami, nadaanan namin si Loris nakatayo sa may kahera. Binati namin siya at nakipag-batian naman sya sa amin.

“Pasensya na po kayo, kulang kami sa tao ngayon,” sabi nya, “nasa kabilang branch kasi yung iba.”

May branch daw sila sa Visayas Ave. Eh, mukhang humingi ng resbak na tauhan. Balentayms kasi. Sya ngayon dito sa Rocka Complex ang kinulang ng tauhan.

O, mga tiga-Rocka dyan, dalhin ang buong pamilya nyo, kain kayo sa Saigoneer.

Kahit hindi Balentayms. 💑