reunion sa cam sur

nagpunta kami ni jane, kamakailan, sa bicol; sa baao, cam sur, sa hometown nya. dinalaw namin si ma’lydz, nanay nya, biyenan ko. matagal-tagal na rin kasing hindi nakadalaw si jane sa nanay niya.

20190524_064109

rosalie, ma’lydz, at jane sa harap ng bahay ni ma’lydz

tumira kami sa kapatid ni jane, si rosalie, at ang bana nyang si emil, kasama nang apat na anak nila, at ang shitzu na si twinkle.

20190525_075555

shulamite, rosalie, jane, hannah, juris (& twinkle), dondon, emil sa may garahe

agad ipinakuha ni emil ang pina-alagaan nyang kambing. maya-maya eto na si ronil pasan-pasan ang kambing sa balikat nya.

20190524_103535

si rassel at si ronil (may pasan ng kambing)

sana daw kakaibang luto ng kambing ang gawin ko. sabi ko “curry” pero mukhang di sila masyadong excited dun.

nag-adobong kambing si emil. sya na rin ang nagluto ng papaitan. yung dapat lulutuin kong “curry” ay ginawa kong mestizong kaldereta — kalderetang ginataan na may kaunting curry powder.

datapwat ang naibigan ng lahat ay ang inihaw na ribs ng kambing.

 

napakasimple ng pamumuhay dito. napakabagal ng oras. ang tahimik ng gabi.

napakagalang din ng mga bata. naupo ako sandali sa upuang kawayan sa harapan ng tindahan, isang umaga.

20190525_071838

ako at si doglas (di nya tunay na pangalan)

lahat ng batang may bibilhin sa tindahan ay lalapit muna sa kin at isasahod ang kamay upang magmano — kahit hindi nila ako kakilala.

pinuntahan namin ang hipag ni jane, si len, asawa ng kapatid nyang si desiler na nasa brunei. tiga-albay sila. at dahil tiga-albay sila ay pumasyal muna kami sa kagsawa ruins para sulyapan ang daragang magayon.

“magustuhan ka kaya ng daragang mayon,” sabi ni jane, “magpapakita kaya sayo?”

nagpakita naman. at lubhang napakaganda at napaka-majestic ng daragang magayon — ang mayon!

20190525_184922.jpg

20190526_140404.jpg

masaya akong lumisan sa kagsawa. nagpakita sa kin ang daragang magayon.

nagpunta kami kina len pagkagaling ng kagsawa. pinagluto nya kami ng inihaw na bangus, sinigang na baboy, at fried chicken. may dessert din na fruit salad. pinauwian ni len si jane ng ilang tanim nyang orchids, at ako naman ay pinauwian nya ng kampit.

20190525_151115

si len (dulo, kanan, naka-pink), si drenz (hawak ni len, at si drex (naka-dilaw na t-shirt)

kinagabihan ay pumasyal naman kami kina jake abad, si jung-jung na bunsong kapatid ni jane.

20190525_210853

usapang barangay IRA: si jane, si vangie (misis ni jung), at si jung a.k.a. jake abad.

si jung ay isang radio commentator ng station ng RPN, Nabua. at si vangie naman ay sec ni kap sa san vicente. naglabas si jung ng kaunting inumin (johnny wong-wong) matapos ang napakasarap na hapunan ng laing at sinanglay na tilapia.

received_1625296210948683

L to R: jung a.k.a. jake abad, me, emil

naka-tatlo o apat na “for the road” (tagay bago bumyahe pauwi) kami, bago tuluyang nag walk-out si rosalie. nun kami nagtapos… at umuwi.

pinagluto ko sina rosalie at emil ng specialty ko na pata tim nung linggo ng tanghali.

ipinag-ani kami ni emil ng isang buwig ng saging na saba mula sa mga tanim nya sa likod bakuran. pinauwian ako ni rosalie ng paborito kong tinuktok. dinagdagan naman ito ni jung ng saging bicol (kakaiba ito at napakatamis), kamote, guyabano, karagdagang tinuktok (pinangat), at ug-og (kamansi). ibinigay din sa ‘kin ni rosalie ang isang sangkalan na mahogany. ikinahon ni rosalie lahat nito bago kami umuwi.

kinagabihan ng linggo, hinatid kami ni emil at rosalie sa abangan ng bus sa plaza ng baao. pauwi na kami.

20190526_190730

inaabangan ang raymond bus sa tabing karsada malapit sa plaza ng baao

napakasayang reunion lalo na’t ang magkakapatid at magulang (ina) ay magkakasundo, sa kabila nang magkakalayo.

tiyak, babalik ako. 👌